November 16th, 2008
Crab Mentality- Crap Mentality
Natuwa ako sa kalalabas lang na poster sa ibaba. Tumutumbas siya sa kompetisyon sa pagitan ng Manila at Cebu sa aming account sa PS. Mali siguro ang basa ko sa payak na intensyon ng gumawa nitong poster, pero hindi ko mapigilang bigyang-pansin ang katotohanan sa likod ng dalawang sipit ng mga alimango.

Marami haka-haka ang nakalutang sa loob ng account naming ngayon, at sindami rin nito ang mga nagra-rant sa mga desisyon ng management nitong mga huling araw. Bahala sila. Nananahimik na lang ako. Bahala sila sa mga amoy-shawarmang buhay nila. Datos lang ako kung datos, sige. Basta tuwing lumalabas ako pagkatapos ng bawat shift ko, pwede akong sumigaw ng " I ain't biting the curb, madapakars!!!". Yun.
Maghilaan kayo pababa. Bahala kayo. Basta huwag niyo akong guluhin. Manonood lang ako ng online videos. Tenkyu.
