April 20th, 2009
kita-kita sa dulo.
isang pagtingala sa tila ibong minsa'y naputulan ng pakpak,lumapag sa lupa.
tila isang kapatid na nakasama, nakagiliwan.
sa mga araw na ikaw ay aming nakapiling, hinangaan.
matibay mong hinarap ang mapait na mundo gamit ang iyong ngiti.
ngayon panahon na muli upang lumipad ka.
sa ulap ka na lang namin tatanawin.
sa gitna ng sikat ng araw duon mo kami hantayin
mga taong minsan mo nakasama. kasabay mo nangarap.
lumipad ka na, wag ka na malungkot.
kasama mo kami, di ka magiisa.
maghintay ka lang kapatid.
kita kita tayo sa dulo.

-- isang pamamaalam sa aking kaibigan, JB Endrano. muli, kita kita sa dulo.
Posted by hubad at 03:44 AM | 1 sabi nila...
CJ (guest)
