July 2nd, 2008

Ang Pagpaalam: Kim Chen & Ben Anderson

Isang napakahabang gabi ito para kay kim chen... naubos nyang basahin ang isang 800 page na libro... pero napagtanto ko na wala rin siya naiintindhan sa nababasa niya.

Parang gulugod na tumama sa kanto ng lamesa ang naramdamang sakit ni kim chen.. parang ngipin na binunot na walang anestisya sabay mumog ng patis... parang pakiramdam ng isang kinder na naiwan sa field trip o ng isang agent na naterminate isang araw bago ang sweldo.

Ang tanong ng sambayanan, bakit ganito na lang ang lungkot ni kim chen? Bakit?

Ang dahilan.

Aalis na si Ben Anderson.

- Pagpapakilala -

Sino si Ben Anderson?

Si Ben Anderson ay isa sa mga lead role sa tele-pantasyang ito. Kumbaga sa Mara Clara sya si Fernando Jose. Di katulad ng ibang storya, di ito tangulian ng mahirap at mayaman. Ito ay isang tipikal na kwento ng "boss" at "sekretarya".

Sino si Kim Chen?

Si Kim Chen ay isang matatag na pang-umagang bantay. Isa syang puting lobo. Sa di malamang kadahilanan lumipat sya sa gabi at dun nabuo ang pagtingin nya kay Ben Anderson.

Mga ibang tauhan sa ating kwento:

 

Cupcake

Di siya bakla gaya ng kanyang pangalan. Nasasabi nang iba na "confuse" sya. Pero matanda na siya. Siya ang magiging ka-love triangle ni Ben Anderson sa kwentong ito. Siya ang lalaking inaantay ni Kim Chen kahit na maging kasing labnaw na ng downy ang dugo niya.

 

 

Ang mga extra o yung mga padaan-daan lang sa eksena:

Warla, laging busog.

Peachy, laging inlove.

Hubbitz, level 5 ang ganda.

Marce, obligasyon.

Casper, sumalangit nawa.

Redford, black.

 ...to be continued...

 

 

Posted by hubad at 03:02 AM | 2 sabi nila...
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on July 2nd, 2008 at 05:27 AM
ano interesting dito. ako nga nkatulog habang ginagawa to. amboring. haay. cge, salamat sa pagpatol. :-)
Comment posted on July 2nd, 2008 at 04:41 AM
Interesting